Nagkaroon ng seatwork sa Database Management Systems kahapon.
Tungkol yun sa napag-aralan nung Monday, make-up class.
Favorite ko ang mga major subject kahit mahirap at kahit na hindi ata ako favorite ng subjects na yon.
Ayun nga, may seatwork.
Wala akong notes nung Monday. Ni hindi ko nga nakita at nabasa talaga lahat ng nasa board. Labo kasi ng mata ko, tapos ilang beses palipat lipat ng room kaya talagang hindi ko nakopya.
Ang masaklap, eh katulad ng mga sinulat nung monday yung seatwork namin. Ang saklap saklap! haha!
Pero ayun, binase ko na lang sa mga nakita ko sa hands on yung ginawa ko.
kahit nga yung ERD, wala ako kopya. Grabe!
Tapos ayun, nakagawa naman ako ng ERD at Metadata. Happy Happy pa sana ako eh, kaso nung check-check time na. AYUN! Para akong binagsakan ng langit at lupa. PROMISE!!!
Nasita ako sa Foreign Key. Ampotpot!
"Magkakaroon tayo ng problema diyan *sabay turo sa mga foreign keys ko* , masyadong maraming foreign key. Yung kaibigan mo nagawa, baka naman kopyahin mo na lang ha?"
"mam, hindi po."
"Pero kung gusto mo, itry mo yan para malaman mong mali yung ginawa mo *smile*."
-grabe, parang nahurt ako dun eh. hehe parang minaliit ako. LOL! joke lang. Love ko si mam, next blogpost basahin nyo :D
Super pinagpawisan ako ng todo todo nun.
Naiiyak ako na ewan. GRABE!
Hindi ko muna pina-photocopy kasi akala ko uulitin ko tapos pipila ulit para magpacheck. aysos! ang tagal kong kinabahan. Ayun pala, basta napirmahan ni mam, pwede na ipa-photocopy.
Feeling ko ang tongeks tongeks ko para di makakuha ng Exc (Excellent) sa seatwork na yun. HaaaisT. Alam nyo ba ung feeling nun? maraming naka-excellent pero ako wala. :(
Sabi nila, okay lang daw yun. Foreign Key lang naman daw yung problema.
Dahil wala akong notes at di ko nakita yung metadata sa board...Akala ko kasi:
Lalagyan ng key yung lahat ng icoconnect connect. Yun pala hindi. Yung isa lang. Tsk. Sana Schema na lang ginawa ko, para hindi na nakitang mali ang pakahulugan ko sa Foreign Key. Eh di sana EXCELLENT din ako diba? :( Eh di sana, I BELONG! :D
Pero I learned from my mistakes ang drama ko ngayon and look at the brighter side. Oo nga naman... tama si kuyang kachat ko. Atlis, marami rami na akong alam, para daw sa walang alam. oks na oks daw yung ginawa ko *nagpauto talaga eh noh?* . Tapos okay lang daw yung nangyari, wala namang perpekto.
Kaya ayun. Medyo nakamove on na ako.
Pero ngayong tinatry ko sa MS ACCESS... naalala ko na naman, nalulungkot ako. What if hindi na pwedeng palitan yung ipinasa? hehe. Yung fieldsize ko kasi medyo mababa. Bakit? Binase ko yung ginawa ko dun sa Tables na given. Haaist. Eh ayun na ata yung case study na idedevelop. Sana... bigyan ako ng chance na i-develop yung naunang ipinasa ko.
bakit "Foreign Key to Primary Key and back to Foreign Key" ang title? ganto kasi yan...Ang alam ko talaga foreign key yun eh, kaso habang gumagawa ako ngayon, primary key ang nakalagay pero nung tumingin ako sa book may Foreign Key naman. kaya ayun hehe