" kung kaiLan naman nagkakaroon na ako ng perpektong pLano bigLang sisingit ang suhestiyon na hindi pwedeng ireject. ang gara gara >.< "
-Gumaganon pa ako? haha!
Magbbirthday na pala ako eh noh? 18th bday to friend. hmmm. ang plano? wala.
Dati pa lang ayoko ng debut super party ek ek. Wala naman na akong boyfriend na e. LOL! joke joke! Wala naman akong balak mag-tapon ng malaking pera para sa isang araw lang. hoho. aw! napaghahalataang kuripot pero... praktikal lang ako. ATA. Sa takbo ng ekonomiya ng bansa at ng buong mundo... nako! 90K for a decent debut package. Diyos miyo marimar! haha! PERA-hin na lang diba? haha! joke!
Dahil papalapit na yun at marami ng nagtatanong sa akin kung anong plano, windang na windang na ako. May 1 week na lang ako. Grabe! G-R-A-B-E. Eh this week, departmental exam na. Midterms na sa lahat! Matira-matibay xD
Gusto ko sana simpleng celebration and quality time with my parents and friends.... and relatives (meron ba? xD).
1) COLLEGE FRIENDS
Dahil masyadong malayo ang bahay ko sa mga kabahayan nila at Sunday pa yun. Malamang walang pumunta. Kaya naisip ko, magdala na lang ako ng kahit na anong mga ano tapos SM na. Kantahan na maLufet. KASO. KASO dahil nareshuffle kami, hindi magkatagpo-tagpo ang mga mahihiwagang schedule namin. Target na araw? Saturday(23) o Monday(25). Pero hindi rin kami magkakatagpo tagpo nun T__T kaya malamang kain kain lang mangyayari. walang sm... walang gala. Pero mas oks sana kung Sunday mismo kaso. Basta ayun.
2) HS FRIENDS
Pinuntahan ako kahapon ng friend ko, nagtatanong anong plano ko. Sabi ko wala. Sabi niya kantahan na lang daw. Sabi ko oh sige bahala ka. Pero SUNDAY yun, walang tao kung hindi ako. T_T
3) FAMILY
Magkakasama naman kami sa bahay, kaya kahit na ano na lang. Si kuya naman malapit lang bahay nila. Kaso.. Kaso SUNDAY nga eh! T___T yun ang pinakabusy na araw sa pamilya namin :(
Ang ending, naisip ko yung mga college friends ko, mag-overnight sa bahay. Unique yun xD haha! Eh 6pm ang uwi ng section 4 kapag Sat eh, sakto sana Sunday. O kung hindi talaga. Ayun nga, yung magdadala na lang ako.
Sa HS FRIENDS, gagabihin sila sa Sunday pero kung oks lang... sana oks lang.
Sa Family, syempre naman kasali na sila dun. xD nasa isang bahay lang naman kami e.
Isa pa, ang pumasok sa isip ko, yung mga taong ngayon-ngayon ko lang nakilala ang makakasama ko sa birthday ko? Grabe. Ang bad bad ko talaga nun. Pero naliwanagan na rin ako. Okay lang yun. Dapat matuwa ako at magpasalamat kay God kasi naging CUTE ako xD este umabot akong 18.
Dapat din matuwa ako kasi yung mga sinabi kong ngayon-ngayon ko lang nakilala eh yung mga taong nag-plano para sa akin.
Nakaka-touch at... nakakahiya, nagkamaLi ako kanina :(
Sorry po God!
I trust you!
I trust you!
PS.
Pero ang plano ko last year? Children's Party ang theme. PROMISE. Gusto ko mga games! LahaT! Gusto ko lahat din ma-feel ulit maging bata. Gusto ko nga kasama si Jollibee eh haha! kaso parang out of this worLd naman kung ganun nga. haha!
0 comments:
Post a Comment