Friday, February 12, 2010

a choco mucho kid?


February 6, 2010

Bday ng former classmate ko sa college, si B1.
Celebration syempre.
Nagyaya si G1... inuman daw.
Syempre alam nilang uuwi ako at hindi sasama, kaya hindi na ako niyaya. hoho
Pero dahil nakakacurious naman talaga yun, sumama na ako. Hoho.
Binalaan nila ako at paulit ulit na tinanong kung papayagan bang gabihin kami ng uwi.
Ako? sabi ko ata bahala na. Ngayon lang naman.

Mucho yung binili nila.
Wala talagang nagyaya sa akin, ni hindi ako tinagayan. xD
Yung amoy nun? Hindi na bago para sa akin.
Syempre naman nag-iinuman dito minsan sila papa sa bahay *once in a blue moon nga ika nila.

Ang daming junkfood. Nalasing ako sa junkfoods. hoho!
Inatupag ko ang ubusin ang tinatawag niLang pagkain.
Ang mucho? Tumikim ako. Isang lagok... dalawang lagok.
Ang tibay ko daw bat daLawa? eh mei sipon ako eh. Ni hindi ko nga nalasahan eh. Tatatluhin ko sana baka malasahan ko na pero hindi ko na tinuloy.
So kumain ulit ako ng maraming junk food. bwahahaha!
Pero syempre. Ano pang essence nung desisyon kong sumama kung di ko talaga malalasahan. So isang shot pa prend! xD
Sa isang shot na yun, nalasahan ko na. Shot ba tawag dun? eh baso yun eh. pero ewan.
Approximately, 3/4 glass yung nainom ko.
Pinigilan na rin naman kami ni B1 at iba pa, at tsaka naubos yung tatlong bote e. So talagang titigil ang lahat.

Pero bago mangyari ang lahat.
Sinabi ko sa sarili ko... " Hinding Hindi ko hahayaang mawala ako sa sarili at gumawa ng bagay na pagsisihan ko. "
Sa simula pa lang ay nilimitahan ko na ang sarili ko.
Hindi ko yun naisip sa mismong araw na yun.
Matagal na... Noon pa. Na kung darating ang araw na ganun... Kaya kong kontrolin ang sarili ko.

Marahil nakakagulat, pero hindi ko ginawa yun at idadahilan ang pagiging nasa legal na edad na ako.
Curiosity? Experimentation? o Mission? bwahaha!
Basta. Success! :)

Marahil weirdo kung inyong babasahin, ang 3/4 glass? binablog?! Proud ka bata? haha! Proud ako sa sarili ko na nakontrol ko yun. Bakit ba?! eh blog ko nga to eh. haha!

Pero based on my honest observation.... eto ang kwento ko.

First time kong makita ang lugar na yun. canteen ata yun na merong videoke at billiards sa loob? at may canteen pa rin naman sa loob nun hehe. Pero nagulat lang ako. Naculture shock haha! Ang lakas ng sound system. Uso pa at favorite ko pa kaya natuwa ako. Sa kanan namin eh mga nagbibiLiards, nakita ko yung schoolmate ko nung HS. Pero syempre, walang pansinan. Di naman kami close eh. haha!

Sa Likod namin, 2 girls and a boy, nag-iinuman sila... THE BAR. :D ~> hala nacurious ako sa lasa nun e. haha! xD
Tapos may grupo ng magcclassmate ata yun sa loob ng Videoke. May The Bar din. haha!

Natuwa ako... Dahil ang bagong grupo ng kaibigan ko na medyo pinagseselosan ko eh nakasama ko.
Ni hindi ko naramdaman yung boundary.
Ang nafeel ko? Kasama ko sila.... Kasama nila ako.
Na ang kwento nila, kwento ko rin.
Kausap ko sila, Kausap nila ako.
Walang pandidiri kung baso ng may baso, iniinuman. *boom! ang arte ko pa naman pag ganun, pero napalagpas ko. Nasabi ko na lang, bahala na... xD

Yun lang naman. Less than 1 hour lang naman kami nag-inuman.
Ganun pala yung inuman na tinatawag? hehe! parang nagmemerienda lang tapos substitute sa SoftDrink ang Mucho.
Yep. Parang ganun lang talaga. Ganun ka-LiteraL.
May nagLa-LapTop pa nga eh, nagpprogram. haha! Studious!
Wala namang mga may amats, maliban kay G1 at G2.
Pagtapos nun kantahan na. Solid na kantahan. Walang Inuman :)
Labasan ng Talent. bwahaha!
Kahit ako kumanta eh, 1st time kong nakanta sa Videoke yung YOUR GUARDIAN ANGEL. [Theme song namin ng long lost two timer ex ko. haha! lol! xD]
Walang katapusang Kodakan. Picture-Picture!

Inabutan na kami ng gabi. Malamang. Eh 6 na kami nagsimuLa.
Paglabas namin sa VIdeokehan (ano ba tawag dun?)
May iilang nag-iinuman.
naisip ko... Nakontrol ko ang sarili ko... makokontrol din kaya ng mga taong ito pag nalasing sila? *Tinutukoy ko yung mga umiinom na nakita ko*.
Naisip ko pa... Hindi rin ata ligtas yung ganun. Hindi Ligtas sa lugar na yun... Hindi Ligtas na uminom pala. haha!

9 na kami umaLis ng Sta. Mesa.
Base sa pagcompute ko, 10pm makkauwi na ako. Pero ganun talaga, may kamalasan pa rin talaga ako.
9:30 pa lang, sarado na D.Jose Lrt1.
Tapos May sunog sa caloocan, super hirap sumakay sa Monumento.
Pagdating pang Samson Rd., super traffic at ang ending? 10:30 pm na ako nakauwi.

Tulad ng inaasahan... papagalitan ako.
Wala akong palag, tama sila. MALI AKO.
BABAE ako. Hindi tamang umuwi ng ganung oras.
Mapapalagpas pa kung pag-aaraL ang ginawa ko, pero malinaw na HINDI.
Syempre, Hindi ko sinabi yung part ng inuman. Ang sabi ko na lang nagkantahan at kainan.
Sabi ni papa, "ikaw, may tiwala ka sa sarili mo... na mabait at mabuti ka. May tiwala ka sa mga kasama mo... eh sa mga nakakasalubong mo at nakakasakay?! mapagkakatiwalaan mo ba sila?".
...isang malaking TAMA. TAMA si papa. Sa panahon ngayon, marami ng loko-loko.
Kaya wala talaga akong palag eh.
Sabi ko kay papa at mama, matapos sabihin na kung ano na lang ang iisipin ng kapitbahay sa pag0uwi ko ng gabi.... "pa, minsan lang naman to eh. Alam nio namang dumidiretso ako sa bahay pagtapos ng klase. Bumawi lang ako, tsaka sinabihan nila akong gagabihin.... ako lang talaga yung pumayag at sumama. Di ko na uulitin. "
Sagot ni papa? "Ayun na nga eh! Yan ang nakakatakot! Ang minsan! Diyan pa ang disgrasya.."
naisip ko... " so araw-arawin ko papa xD " kaso bigla niang dinugtong...
"Masama ang minsan, Dapat Wala!".

bwahaha! ang saklap naman nung WALA.
Kailangan ko naman ng sociaL life. haha! LOL!
DI naman daw masamang makipagkaibigan pero hindi naman kailangang maglakwatsa :)

ay ang haba ng bLog ko. haha!
well, ganun talaga. Ang tagal kong walang updates e. haha!
Sa ginawa ko nung Saturday? Okay lang yun. Darating at darating ang panahon na kinakailangan kong uminom xD Yung tipong may ceLebration? haha! Ayoko namang doon pa ako magsisimuLang pag-aralan yun at mawala sa sarili pag bigLaan na lang diba? hehe.
Pero wala naman akong uminom ng uminom noh.
Sapat na muna sa ngayon yung nainom ko.
Di ko na muna susundan pa yun.
Bad yun sa Liver diba? haha!

0 comments:

Post a Comment

♥Join Na!♥

send2meni

 

♥ T a T i B i ♥ Copyright © 2009 Cosmetic Girl Designed by Ipietoon | In Collaboration with FIFA
Girl Illustration Copyrighted to Dapino Colada