Tuesday, February 16, 2010

Untitled 2


Feb 15, 2010

Hindi ko pa naipost ang blogpost ko nung Feb 13, eh eto na naman ang blogpost na kadugtong non. hehe
*Hindi ko napost kasi nawala copy sa usb hehe*

February 15 ngayon, matapos ang napakabusy na araw, napagdesisyunang mag-SM Sta Mesa para manuod ng movie ngayon.
Nung una, nasa mood pa akong maLufet.
Masaya, happy-happy... saktong masaya dahil kahit busy maisisingit ko pa yun.
Nagawa ko pang mag-Nobody Nobody But You sa Jeep :D nung papunta pa lang kami.

Nakabili na ng ticket si BoyLeTs_3.
Sina GirLaLou_2 at BoyLeTs_1 naman ay umalis para bumili ng makakain pag nasa loob na ng sinehan.
Okay na okay na eh. Pero sa di ko matandaang pangyayari, nabuksan at naisingit sa usapan namin ni BoyLeTs_4 yung "******" , isang salitang diumano ay ang pinaghalong pangalan ni BoyLeTs_1 at BoyLeTs_2.
Nainis ako.

*TRIVIA?: Teka, yung "******" .. one time kasi habang papunta kaming NALLRC, ewan ko, may tinatawag ata ako non. Mababanggit ko ata yung pangalan ni BoyLeTs_1 tapos parang dahil maLi kaya si BoyLeTs_2 pero mali pa rin kasi ang tinatawag ko non eh si BoyLeTs_3. Hmm.. magulo ba? Pero magulo talaga ako.  Kung hindi lang talaga malisosyo sila mag-isip eh hindi na siguro nila maiisip yung ganun, bakit? kasi lagi naman ako nagkakamali sa pagtawag ng mga pangalan. PALAGI. Madalas pa nga nalilimutan ko pangalan nila. Grr. Yun ang kwento nung "******" .. BOW*

Di ko maisip kung sa paanong nalaman o naisip ni BoyLeTs_4 yung kay BoyLeTs_2... at nadagdagan pa ng BoyLeTs_1, gayong wala naman akong sinasabi sa kanila. Ni hindi nga ako obvious eh.

Sabi ni BoyLeTs_4, naisip niya raw yon dahil sa ******. Pinagloloko niya ba ako? tandang tanda ko bago ako magkamali sa pagtawag ng ******, eh nagsisimula na siyang mang-asar? Di naman ganun kahina ang utak ko para maniwala sa ganung palusot.

Pangalawa, bat naman nila maiisip din yung kay BoyLeTs_1. Eh nung araw na yun nung narinig nila yung ******... si BoyLeTs_2 yung naisip nila. NAIINIS NA TALAGA AKO AH. Di maalis sa isip ko na si GirLaLou_1 ang nagsabi sa kanila. Pasensya na kung ganun na ako mag-isip. Kung babalikan kasi yung unang blogpost ko, sinabi ni GirLaLou_2 sa akin na sinabi daw ni GirLaLou_1 sa kanya yung mga napag-usapan namin sa jeep noon. Sensya TAO LANG AKO :D . Di maiiwasang magduda lalo't may batayan ako.

Pagtapos kasi nung makwento sa akin ni GirLaLou_2 yung mga kinwento ko kay GirLaLou_1, lahat sila ganun na. Kahit si BoyLeTs_3 at BoyLeTs_4.
Bawat galaw ko, ididikit nila sa pangalan nila BoyLeTs_2 at BoyLeTs_1.
Kahit wala nga akong ginagawa, kung makapang-asar. Nako!

Kanina, kinompronta ko na si BoyLeTs_4 at BoyLeTs_3, isang casual at may humor atang usapan... at ang sabi nila dahil daw sa ******.
So maniniwala ba ako? Ganun na ba kabagal magprocess ang mga utak nila para mag-sink in lang yung ****** pagkalipas ng isa o dalawang linggo?
Na kung muling pagbabatayan ang mga naunang sinabi nila eh si BoyLeTs_2 lang yung nasa isip nila, tapos bilang susulpot yung BoyLeTs_1?

Wew! Sorry talaga, pero nabawasan ang tiwala ko kay GirLaLou_1.
Para kasing iba yung kinilos niya nung lumayo ako bigla.
Bigla siyang nagtatanong kung kamusta ako at kung anu ano pa.
Sa nakita ko, nag-alala siya. Maaring nabagabag at naguiLty ng konti dahil sa nangyari? Ay praning na talaga ako. xD
Kaso medyo nainis ako nung sinabi niyang, "ikaw kasi eh, nag-****** ka pa (******* = yung pinaghalong name nila)" ... para kasing ako pa may maLi?! Ay maLi...mali ko talaga yun. Pero may mas MALI pa ba sa pagkkwento ng isang storyang ipinagkatiwala lang sayo?

Hindi ko alam kung siya rin ang nagpaalala at nagkwento sa iba... kung direkta niya mang nakwento sa iba? o dahil lang din sa isang nagkwento sa iba ? o naging pulot pukyutan ang storyang yon sa gitna ng kwentuhan nila. Ay ewan. PERO ANG ALAM KO ... MASAMA ANG LOOB KO.

Sabi ni GirLaLou_2 at GirLaLou_1, kahit malaman pa daw ni BoyLeTs_1 yun *dahil nalaman na nga rin ni BoyLeTs_2* ... eh magiging normal lang ang lahat. parang wala lang.
Pero naisip ko... "ITO BA YUNG NORMAL?! Yung lahat ng bagay na ginagawa mo eh binibigyan ng malisosyong kahulugan? YUN BA YUN?!. "

Sabi pa nila, nakalipas na rin naman daw yun... DATI PA YON. Pero hindi ba... yun na nga eh, dati pa. NAKALIPAS NA. Bakit kailangan pang ibalik at buhayin ang kwentong wala namang nagtatanong at nagpapakwento? GRR! Ewan ko ba.

Nakakadisappoint lang kasi... Nadisappoint ako sa pinagkatiwalaan ko at kahit sa sarili ko... kasi nagtiwala pa ako.

Siguro tama nga yung iba, "hindi mo katulad ang mga taong nasa paligid mo, at hindi ka rin nila katulad." ~ I'm living with the people with a different point of view in life. Siguro hindi porket ganun ka sa tao, eh ganun din sila sa iyo.

PS. HaaisT. pag nagkakacrush pa naman ako nilalayuan ko talaga. Lalo pag may nakaalam na. bakit? kasi yun nga yung iniiwasan ko, ang bigyang kahulugan ang mga ginagawa ko, ang malagyan ng kulay ang mga pinakasimpleng bagay na nagawa ko, at ang nakakairitang panunukso sa pagitan ng okay naman sanang samahan.

isa pang PS. wew! ang babaw siguro dahil crush crush lang pero napahaba kong ganto. Pero ang bottom line? hmm.. secret. basta ang alam ko , it's all about TRUST.

0 comments:

Post a Comment

♥Join Na!♥

send2meni

 

♥ T a T i B i ♥ Copyright © 2009 Cosmetic Girl Designed by Ipietoon | In Collaboration with FIFA
Girl Illustration Copyrighted to Dapino Colada