Monday, January 4, 2010

walang title


Ilang araw pa lang ang nakalilipas nung sinimulan ko ang blog na 'to... pero Grabe! ganadong ganado noh? haha! Bangis! Masyado ko atang ineenjoy ang magkwento ng magkwento, ang magshare ng adventures and experiences at sabihin ang mga nonsense point of view ko.


Mahal ko 'to blog kong 'to. Dahil nasasabi ko ang gusto ko ng sabihin... kasi dito alam kong may kalulugaran ako. Na feeling ko may gusto at handang makinig sa mga gusto kong sabihin kahit alam kong wala talaga...na imahinasyon kung maituturing. Pero okay na lang sigurong ganto. Dito... Hindi ako mali, dito lang ako tumatama. Kasi walang pumapalag! hahaha! Ni wala ngang nagbabasa eh xD pero hindi naman problema 'yon. Okay lang, at least nailalabas ko ang mga ideyang walang enta mula sa aking isipan... sa paraang gusto ko at sa paraang komportable ako.


Hindi naman sa wala akong tiwala sa mga nakakasama ko para hindi magkwento sa kanila. Nagagawa ko... 25% lang. Lupet noh?! Sa kadaldalang ipinamamalas ko, 25% lang pala yon? Pero natatakot kasi ako sa magiging reaksiyon nila. Nila? eh ni wala ngang gustong makinig sa mga idea o opinyon ko.


Haaist.
Tama na nga 'to.
Nagiging emo eh


Basta ayun, masaya ako dito.
Pangangalagaan ko 'to. Promise haha!

04:35 na ata. haha! aysos! baka ma-late pa ako nito.




0 comments:

Post a Comment

♥Join Na!♥

send2meni

 

♥ T a T i B i ♥ Copyright © 2009 Cosmetic Girl Designed by Ipietoon | In Collaboration with FIFA
Girl Illustration Copyrighted to Dapino Colada