Saturday, January 9, 2010

"sa isang bagay lang ako mabilis mapikon... dun lang. DUN LANG."



Kanina di ko na naman napigiLan.
Astig! haha!

wala pang 5 secs, naiyak agad ako.
Pinilit ko talaga itigil eh, kaso wa epek.

Di ako galit sa kahit na sino man.
Maliban sa sarili ko?
Alam kong walang ibig sabihin yung sinabing yun pero ewan ko bat pa ako naiyak haha! baLiw.

Di ko napigil umiyak.
Biglang flash back lahat. LAHAT.
Pagnagkatinginan kami ng ibang classmate ko, naalala ko din yung naiyak ako dahil sa parehong dahilan.

Sabi ni ham " dapat masanay ka na, ako din dati ganyan"... ang sa akin "sanay na ako, pero iba lang talaga pag galing sa prof mo at buong klase ang tumawa sayo".

Sanay ako sa pa-isa isa. Pero... iba na ngayon. Ni hindi ko nga inaasahan ang mga ganto, lalo't malalaki na kami...  dahil alam na kung anong tama't mali. Dahil alam na at nappredict na ang mga posibleng ikainis ng tao lalo't pangalan niya ang pagtatawanan mo. Kung bata ang nagsabi, gets mo... pag hindi*some text missing*. Pero sa sitwasyon kanina, alam ko wala lang yun. Di lang naman ako yung ginanon at tulad ng sinabi ko kanina, walang meaning yun.

Iyakin lang ako.

Sabi ng isa, " wala lang yon, sanayin mo na lang sarili mo "
sabi ko daw, "sanay na ako."
sabi nia ulit, "hindi ka pa sanay, umiyak ka pa e"
sabi ko nga daw ulit, "syempre naalala ko lang lahat"

hanggang medyo nagkasagutan pero di kami gaLit.
hanggang nagbigay ako ng sample... " para kang may ex, di ka makakamove on agad hangga't lagi mo syang nakikita."
wala lang, maisingit lang ang mahiwagang ex. haha! LOL! joke lng.
Basta medyo magulo kasi di ko na makwento yung flow ng usapan kanina kung bat ko nasabi yan, pero mei connection yang sinabi ko sa usapan namin.

wala lang. Nakakainis ako . haha!
sa isang bagay lang ako mabilis mapikon... dun lang. DUN LANG.

0 comments:

Post a Comment

♥Join Na!♥

send2meni

 

♥ T a T i B i ♥ Copyright © 2009 Cosmetic Girl Designed by Ipietoon | In Collaboration with FIFA
Girl Illustration Copyrighted to Dapino Colada