"'kahit gaano kabata, dapat alam na nila kung anong tama o mali'"
yan ang sinabi ko dun sa last blogpost ko [nacurious sya... silipin mo daLi]
Nung pauwi na kami ni mama galing sa ACEBEDO OPTICAL (at nagpromote pa e noh?). May nadaanan kaming dalawang bata na nag-aaway. Isang babae at isang lalaki... pareho silang bata. Maliit pa kung iyong titignan pero maririnig mo sa mga sinasabi nila na higit pa sa kung ano man ang edad nila ang nalalaman nila.
Ang nanay momei t*t* sa puk*!sabi ng isa.
Ang tatay mo naman ... sagot ng isa.
Mura doon, mura diyan.
Nakakagulat na isang batang paslit mo maririnig. Gayunpaman, hindi ko sinasabing dapat ko itong marinig sa mga nasa wastong gulang na. Nagulat lang ako dahil nasa ibang lebel na ang mga nalalaman nila sa imoralidad xD
"ui..." at tila sisitahin ni mama ang mga bata.
"mama, wag mo silang pakielaman... ", nasabi ko.
ang sagot ni mama, "Eh kasi mga bata pa".
"mama.. hindi mo sila anak. kahit gaano kabata, dapat alam na nila kung anong tama o mali".
Alam ko na may sasabihin kayong masama sa ginawa ko. Na nakita ko ng mali, hindi ko pa itinama. Pero kung ikaw ang nandun sa sitwasyon na yun? magpapakabayani ka ba upang lapitan at pagsabihan sila? At kung gawin mo man ito, sa tingin mo ba ay kanila kang pakikinggan? HINDI. Alam mo't alam kong HINDI.
May utak na sila.
Alam nila kung anong tama't mali.
Alam nila kung anong normal sa hindi.
Anong problema?
Pinili nilang gayahin ang mga napili nilang samahan.
MAS pinili nilang magpaapekto at magpalason ng isipan.
Mayabang na kung mayabang... pero nung kasing edad nila ako. HINDI NILA AKO KATULAD.
Alam ko kung anong tama.
Alam ko kung ano ang dapat.
Alam ko kung ano ang mabuti.
Pero mas mayabang ako sa sasabihin kong... PLUS FACTOR ang pag-aaruga at pagturo sa tamang landas ng magulang ko.
Ayun lang...
parang may kulang pa eh.
Kaso may kahabaan na ata.
Punto ko to, opinyon ko... wag nyo ko awayin.
0 comments:
Post a Comment