What's Your Favorite COLOR?
Astig. Parang slumnote/ slumbook lang.
Pero seriously, hindi ko alam kung anong favorite ko.
Sa paglipas ng panahon may natago akong database sa utak ko, sabi "NILA" eto daw yung favorite ko xD:
Nagrereflect ata yun sa kulay ng mga gamit ng isang tao. Malamang. Pero kung pagkakataon ang nagbigay sayo ng mga gamit na ganon? Favorite mo ba yun? o ano?
PINK
----> As a girl, syempre nakadikit na ang pink sa mga BABAE. Tanda ko pa nung nasa grade school ata ako nun, may pink shoes, pink rubbershoes at pink sandals ako. Sabay sabay na binili nila mama. GRABE! OVER! haha! Dahil isa lang akong anak na babae, ayun pink na. Pati sa bag... pink. Madalas hindi ako kasama kapag may binibili sila. Minsan naman, pag ako ang kasama at tinatanong kung anong gusto ko, ayun... walang imik at sasabihin ni ateng saleslady, "eto po, pink bagay sa kanya". Ayun na. Wala namang masama sa PINK. Napaka-iconic din non diba? PINK ay para sa girLs.
RED
----> RED is LOVE. Pag-inlove daw puro na red. eh paano yun? nadikit na sa akin ung red nung bata pa lang ako? hekhek. It all started here : Grade 4, in preparation of Foundation Day. Dahil favorite ako ni mam. xD ayun, sinali ako sa dalawang performance. Red ako sa isa then sa isa, mala-chinese effect kami XD so red din. Ayun lang naman. Tapos ewan, pagkakataon lang din siguro na nung mga time na yun, puro red ang binibili ni mama na shirts, shorts, sandals, slippers and dresses. wew! Ala nga namang hindi ko suotin yung mga yun diba? haha!
VIOLET || LAVANDER
----> Isa pa yan! Anyway, same story lang naman kagaya nung mga nasa taas, dumating sa point na halos lahat nga gamit na binibili at binibigay sa akin eh VIOLET and LAVANDER.And just like the classic case scenario. Kung anong madalas kong suot, ayun daw favorite color ko. wew! hekhek
Hmmm... the bottom line? wala. haha!
Ahm. Nagcocope lang ako sa mga nangyayari sa buhay ko? Ganun ba yun? Garabe, parang walang patutunguhang magandang idea tong blogpost ko. hahaha!
Siguro niyayakap ko na lang ang mga pagbabago. haha!
Pero habang nagkakaedad ako at nagkakaiisip sa mga bagay-bagay. Gusto ko ng kahit na anong kulay. Gusto ko makulay ang buhay! hahaha! wala lang. Madalas naman akong nadedepress at nagiging sad ang kapaligiran kaya para maitaboy ang mga bad bad bad vibes na yan, super colors ang kailangan plus rock-rockan na music. astig diba? haha! panalo!
ayun lang naman, pero napapadalas ang tanong ng mga friends ko sa favorite color ko, anime, etc., sana walang kinalaman yun sa bday ko. Hindi naman sa hindi ko naappreciate yung mga ganon pero it's the thought that counts. hehe. wala lang. Halos lahat ng friends ko estudyante pa eh, wala pa naman silang source of income, so nag-sasave pa sila. wala lang. hehe. Ginagawa ko rin naman yon pero wala lang. hehe. Ano ba yan. Puro wala lang. Basta batiin lang ako sa Birthday ko, masaya na ako e. Wala lang.... wala lang.
0 comments:
Post a Comment