Sunday, January 17, 2010

TaTi: NO to diary entry and YES to blog post!


Para sa taong hindi mahilig magkwento ng masasakit at malulungkot na pangyayari at alaala. Binubuhos ko ang lahat sa mga blogpost ko.

Mas prefer ko ang mag-blog kesa sa diary entry. Wala lang, bukod sa hindi kagandahan ang hand writing ko at tamad akong magsulat, napakaliit ng probability na mabasa ito ng mga kuya at magulang ko. Isa pa ay hindi rin naman ito babasahin ng mga kakilala ko. So walang mangyayaring masama kung gagamiting kong outlet ng paglabas ng emosyon ko ang BLOG na tulad nito.

Pero dumadating sa punto na gusto kong ilabas ang nararamdaman ko at magpost, ay wala naman ako sa bahay at sa kung saan man na may PC o kaya naman ay dis-oras na ng gabi. So ang gagawin ko ay magsulat na lamang. Tapos itatapon na, pero nitong mga nakaraang buwan o taon na ata eh bina-blog ko na rin yung nasusulat ko. Para makahingi ng advice.

Kagabi, napasulat na naman ako ng todo. Hindi ko nga alam kung ipopost ko rin eh. Iba kasi yung topic. Pero ayun na nga, sa takot kung may makita dito sa bahay, hinanap ko yun pero ang nakita ko ay yung sinulat ko noon. 2008 pa yun eh, tungkol yun sa dakila kong two-timer xXx (aw. bitter?) sa pagkakatanda ko e napost ko na rin yun sa isang social networking. Ayun nga, nakita ko yun sa book ko sa Database. Grabe. Hindi ko natatandaang inipit ko yun dun. At malapit pa sa unahang bahagi? GRABE!!! At kung ako man ang naglagay nun ay malabong hindi yun nakita ng kuya ko at kung sino pa man. Tatlong araw ng iniwan ko yung book dun sa may mesa sa may hagdan. Tanda ko pa nga na tinanong ako ng kuya ko kung may MS ACCESS daw bang topic don. Samakatuwid eh nabuklat niya yun. Parang nakita ko nga rin na binuklat niya yun. Ayun. GRABE!! kakaiba pa naman yung nasulat ko dito. (Hawak ko pa yung papeL e hehe) Hindi ako makapaniwalang nakapagsulat ako ng ganun dati? Umaygad! haha! Pero ayun nga, nakakahiya naman kung nabasa nila yun. SUPER!!! May part pang ganto oh

" Maybe trip lang and the worst thing is "pinagpustahan". Out of this world ba? Baka kasi ganyan nangyari eh. Malay natin. Lahat naman ng toh hindi ko inisip"
 -eww diba?! ako ba yun?

"Grabe! Bat kailangan kong maapektuhan eh wala na rin kami?! Simple lang, nakakabastos kasi eh! Walang respeto sa nararamdaman ng iba! Walang modo! Walang ah ewan!"
-ewwness talaga. haha!


Actually, nakita ko na yun last last month na pakalat kalat din. Di ko alam kung bakit. Pero alam ko kasi nilabas ko lahat ng kalat ko sa kwarto ko tapos si Kira (Ung aso namin) makulit. T_T E walang trashcan na available sa 2nd Floor kaya binalik ko sa gamit ko, tapos eto na nga yung nangyari. Huhuhu. Kaya ayun, pinunit punit ko na para sure. bwahaha! Pero sana hindi nila nakita noh? Sana... sana..
.

0 comments:

Post a Comment

♥Join Na!♥

send2meni

 

♥ T a T i B i ♥ Copyright © 2009 Cosmetic Girl Designed by Ipietoon | In Collaboration with FIFA
Girl Illustration Copyrighted to Dapino Colada