Saturday, January 2, 2010

“Ayoko ng CELEBRATION… ayoko ng preparations.”


“Ayoko ng CELEBRATION… ayoko ng preparations.”
Sinabi ko yun nung December 31, 2009. Habang abala kami sa paghahanda para sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Haha! ang Lufet ko noh? nasabi ko un? tamang tamad lang siguro ako.


Eh kasi naman ang hirap kaya hugasan ng mga malalaking kawaLi na ginamit sa pagluluto. Dagdag pa yung walang tubig sa gripo dun sa lababo. So ang ending nun, maghuhugas ako dun pa sa banyo.
Kabadtrip kaya yun. Parang may curfew kami sa tubig. haha! patawa! Pero kabadtrip.


Tapos wala pa yung mga kuya ko. Pasaway! Kanya-kayang lakad… Kanya-kanyang layas… Kanya-kanyang takas. So ako lang mag-isang nauutusan don.


Di na nga ako nagpautos eh, ginawa ko na lang ng kusa. Kaso, hindi man lang nila ma-appreciate yun. Ni hindi nila makita na nagkukusa ako. Mas nakikita nila ang mga mali ‘daw’ sa ginagawa ko.


Naisip ko tuloy, wala na ba akong ginawang tama? ni hindi ko magawa ng tama at maayos ang mga simpleng bagay na pinagagawa? Ultimo pagwawalis ko daw eh may maLi. Pati sa pagbuhos ng tubig, mali pa rin? hala! Ano kaya yon. Kaya ayoko na tumulong eh… ayoko na kumilos. Nakakabadtrip eh.






Yun lang naman. hehehe.

0 comments:

Post a Comment

♥Join Na!♥

send2meni

 

♥ T a T i B i ♥ Copyright © 2009 Cosmetic Girl Designed by Ipietoon | In Collaboration with FIFA
Girl Illustration Copyrighted to Dapino Colada