[ I was about to lose hope... faith.
Actually, may mga mabibigat akong personal na problema.
Hindi maiiwasang daraan sa ganitong stage ng buhay.
Na manghihina ka at kkwestyunin ang mga bagay-bagay.
Nung nakaraan lang, kinwestyon ko ang Panginoon.
Nagtanong at nagtampo sa mga pagkakataon.
Bakit ako pa? Bakit sa akin pa?
Pwede naman sa iba... xD joke! haha! ]
grabe.
Kahapon super mangiyak-ngiyak ako. Hindi ko magawa yung case study sa c#. Grabe!
Nagsunod-sunod yung kamalasan ko bago yun, kaya talagang lugmok na lugmok talaga ako nun. Yung way pa lang pauwi eh minalas na ako eh.
MALAS #1 : walang masakyan. kung meron mang divi, puno yun o puno talaga. haha! Hindi ko alam kung anong meron non.
MALAS #2 : sobrang traffic, tarpiks super! grabe grabe! para sa taong nagmamadaling umuwi dahil may tatapusin, nakakabadtrip yun ah!
MALAS #3 : Ayun pala! may rally sa mei legarda-mendiola. so ano?! eh di naglakad lang kami sa kahabaan ng legarda at recto. *First time ko makakita nun sa personaL :) yung talagang may mini stage pa sila. Astig!!
MALAS #4 : Nakakabadtrip lang naman yung katabi ko, kainis kainis! ang lufet umupo eh! Grr!
MALAS #5 : Malapit na ako nun sa bahay namin, nasa lagpas c3 na eh, ng eto!!! Yung mamang driver namin mei nakaalitang motorcycle driver. rawr! bakit bakit? May sasakay kasi eh, si ateng maganda at ateng maganda pa xD . Eh di malamang itatabi niya yun para makasakay yung mga girLy babes :D , n biglang may mamang epaL.
"oi!, i-ano mo (hindi ano yung sabi nya eh, nalimutan ko eh, basta meaning nun eh iusod paharap? anong tawag dun? haha! iabante? hindi yun yung ginamit nia eh. Ang laki ng problema ko e noh? xD)", sabi ng mamang pangeT.
"sandaLi lang, may sasakay pa oh", sabi ni sir driver namin.
blah blah. ang daming sinasabi ng pangeT na mama na yun.
Tapos, himinto sya dun sa may tabi ng sir driver namin.
sabi ng panget na yun, "PU*$@& INA &*!! Sabing i-ano mo (ganun uLit. hindi ano yung sinabi ha xD)"
eh di syempre, for every action, there's an equal or opposite reaction, sabi ni sir driver "PU&^#% iNa mO rin!"
blah blah silang dalawa.
Ng biglang umakma yung panget na driver na bubunutin yung bariL niya.
Natakot ako non syempre. hala hala diba? eh andun pa naman ako sa side kung saan banda yung sir driver namin. Tapos ayun, umarangkada na ulit yung panget.
Balak ko sanang tignan yung plate number eh kaso madiLim tsaka mamaya bumariL pataLikod. haha!
eh tapos pala! Inabangan yung jeep ni sir driver. Biglang may bumato sa jeep niya sa di kalayuan at biglang U-TURN. Initial reaction? Syempre natakot, napa-antras kaya ako. haha! Syempre akala ko at akala namin baLa na yun diba? haha! Binaba niya pala muna yung angkas niya.
ayun, tapos MC na. hehe. Pero super kinabahan ako nun. Promise.
Diba may Gun-BaN? tae yun! Tsaka ang yabang yabang niya! Eh sa kahit anong angguLo maLi siya. Bigla syang susulpot gaLing sa pLaneta niya. Nako! ang yabang niya! tae tae tae siya! Pero hmmm.. actually, namumukhaan ko yun eh. Alam ko kilala ko siya. Hindi ko alam kung san ko siya nakita. Promise. Kung makikita ko ulit yun, makikilala ko siya.
Game balik sa countdown!
MALAS #5 : Walang net :( . Ewan ko kung anong problema. At ang ending? sa computer shop ako. Naghanap ako ng mga syntax ng mga feeling ko eh gagamitin ko.
MALAS #6: Biglang nawalan lang namang ng kuryente sa comp shop na yun!!! hay nakO!
MALAS #7: Masyado kong inintindi ang paghahanap ng mga syntax ng mga gagamitin ko pero nalimutan ko hanapin ang mga basic syntax. wew!!
GRABE GRABE!!! 10pm na ako nagsimuLa.
Lahat ay okay naman. Walang Error. Walang warning.
Pero biglang ewan na. huhuhu.
actually, nawaLan na ako ng idea sa OOP.
Ay hindi, nalimutan ko.
Ay ganun din pala yun. ahahaha! adik!
Parang Java Language lang din naman yung approach nia diba? Eh kaso wala yung book ko. Walang net. So nawawalan na ako ng pag-asa. As in naiiyak na ako pinipigiL ko lang.
Feeling ko hindi ko na talaga magagawa. Pag nagkataon, 1st time kong hindi magpapasa ng case study. :( Programming pa yun... yung ang masakit. :(
HIndi yun yung inaasahan ko. HINDI.
Pero hindi ako nawalan ng pag-asa *slight lang* :D
Gayunpaman, pinilit kong magpaka-chiLLax ;p
Sabi ko sa sarili ko, hindi ako pababayaan ni God. Kanina kinausap ko siya at dumaan sa tahanan niya bago pumasok sa school. Alam ko. Hindi niya ako iiwan at magagawan ko 'to ng paraan.
Sabi ko sa sarili ko "oh hindi hindi! kahit na anong mangyari magpapasa ako!"
At ayun! structured yung ginawa ko. hekhek! Pero may maLi pa rin. Ewan ko dun. Baliw! apat mag-iinput dapat pero nagiging dalawa lang sa grades. tae tae tae!
Pero ayun, di ko na natapos talaga at naayos dahil lagpas 3 am na. Pinapagalitan na rin kasi ako dahil kailangan ko pang gumising ng 4am para pumasok.
Ayun, humiga na ako at biglang pop up sa utak ko. At nasabi kong "ai! sabado na! birthday ko na bukas!" hahaha! Ang lakas ng boses ko, buti na lang walang nakarinig. kahiya e haha!
tapos pumikit.
at dumiLat.
Ayoko pa sana bumangon kasi talagang masakit ulo ko.
Pero nung nabasa ko ang mahiwagang mensahe galing kei fairy bluestar dolly. tenen! Napatayo agad ako at sinabi kay mama na "Mama! Paloadan mo ko!"
bwahaha! eh maaga pa kamusta naman yun.
At ayun, bilang mabuting cute na mamamayan ng PiLipinas, kinompirma ko muna at ipinakalat ang mabuting balita :) Eh wala nga ako load diba? Nakitext ako kay papa. Tinitxt ko ang yung mga representative ng wantu, wanwan, wanpor at wantri. :) para i-Gm nila. hehe. ang cute ko talaga. este ang bait ko pala. haha!
Naubos ko nga ata load ni papa eh, syempre talaga naman kokompirmahin din nila sa akin kung totoo yun at malamang magrereply din naman ako. Kaya ayun. hahaha!
God is Good... all the time :)
Binigyan ako ng chance! oh yeah!
Pero kahit wala ako tulog. Hindi na rin ako natulog. Ang haba ng blog ko noh? eto yung dahilan kaya hindi ako natulog. Hmmm. Fellowship bukas sa amin, pwede ba akong mag-puri bukas? haha! Yun ang gusto ko sana dati pa. Na sa araw ng birthday ko, magpupuri eako :)
[I was about to lose hope... faith.
Actually, may mga mabibigat akong personal na problema.
Hindi maiiwasang daraan sa ganitong stage ng buhay.
Na manghihina ka at kkwestyunin ang mga bagay-bagay.
Nung nakaraan lang, kinwestyon ko ang Panginoon.
Nagtanong at nagtampo sa mga pagkakataon.
Bakit ako pa? Bakit sa akin pa?
Pwede naman sa iba... xD joke! haha!
Pero eto! Hangga't andiyan si God. Di niya ako pabayaan. At hindi niya ako iiwan. Iboto nyo ko! ang bait ko. Joke! haha!]
1:30 pa ang class. kamusta kamusta? haha!
1 hr ko na ata tong ginagawa pero hindi ko maipopost agad. bakit bakit? eh walang net diba? haha! Mag-rent na lang ako mamaya sa school. hehe.
GodBless Us! :)