Friday, February 12, 2010

a choco mucho kid?


February 6, 2010

Bday ng former classmate ko sa college, si B1.
Celebration syempre.
Nagyaya si G1... inuman daw.
Syempre alam nilang uuwi ako at hindi sasama, kaya hindi na ako niyaya. hoho
Pero dahil nakakacurious naman talaga yun, sumama na ako. Hoho.
Binalaan nila ako at paulit ulit na tinanong kung papayagan bang gabihin kami ng uwi.
Ako? sabi ko ata bahala na. Ngayon lang naman.

Mucho yung binili nila.
Wala talagang nagyaya sa akin, ni hindi ako tinagayan. xD
Yung amoy nun? Hindi na bago para sa akin.
Syempre naman nag-iinuman dito minsan sila papa sa bahay *once in a blue moon nga ika nila.

Ang daming junkfood. Nalasing ako sa junkfoods. hoho!
Inatupag ko ang ubusin ang tinatawag niLang pagkain.
Ang mucho? Tumikim ako. Isang lagok... dalawang lagok.
Ang tibay ko daw bat daLawa? eh mei sipon ako eh. Ni hindi ko nga nalasahan eh. Tatatluhin ko sana baka malasahan ko na pero hindi ko na tinuloy.
So kumain ulit ako ng maraming junk food. bwahahaha!
Pero syempre. Ano pang essence nung desisyon kong sumama kung di ko talaga malalasahan. So isang shot pa prend! xD
Sa isang shot na yun, nalasahan ko na. Shot ba tawag dun? eh baso yun eh. pero ewan.
Approximately, 3/4 glass yung nainom ko.
Pinigilan na rin naman kami ni B1 at iba pa, at tsaka naubos yung tatlong bote e. So talagang titigil ang lahat.

Pero bago mangyari ang lahat.
Sinabi ko sa sarili ko... " Hinding Hindi ko hahayaang mawala ako sa sarili at gumawa ng bagay na pagsisihan ko. "
Sa simula pa lang ay nilimitahan ko na ang sarili ko.
Hindi ko yun naisip sa mismong araw na yun.
Matagal na... Noon pa. Na kung darating ang araw na ganun... Kaya kong kontrolin ang sarili ko.

Marahil nakakagulat, pero hindi ko ginawa yun at idadahilan ang pagiging nasa legal na edad na ako.
Curiosity? Experimentation? o Mission? bwahaha!
Basta. Success! :)

Marahil weirdo kung inyong babasahin, ang 3/4 glass? binablog?! Proud ka bata? haha! Proud ako sa sarili ko na nakontrol ko yun. Bakit ba?! eh blog ko nga to eh. haha!

Pero based on my honest observation.... eto ang kwento ko.

First time kong makita ang lugar na yun. canteen ata yun na merong videoke at billiards sa loob? at may canteen pa rin naman sa loob nun hehe. Pero nagulat lang ako. Naculture shock haha! Ang lakas ng sound system. Uso pa at favorite ko pa kaya natuwa ako. Sa kanan namin eh mga nagbibiLiards, nakita ko yung schoolmate ko nung HS. Pero syempre, walang pansinan. Di naman kami close eh. haha!

Sa Likod namin, 2 girls and a boy, nag-iinuman sila... THE BAR. :D ~> hala nacurious ako sa lasa nun e. haha! xD
Tapos may grupo ng magcclassmate ata yun sa loob ng Videoke. May The Bar din. haha!

Natuwa ako... Dahil ang bagong grupo ng kaibigan ko na medyo pinagseselosan ko eh nakasama ko.
Ni hindi ko naramdaman yung boundary.
Ang nafeel ko? Kasama ko sila.... Kasama nila ako.
Na ang kwento nila, kwento ko rin.
Kausap ko sila, Kausap nila ako.
Walang pandidiri kung baso ng may baso, iniinuman. *boom! ang arte ko pa naman pag ganun, pero napalagpas ko. Nasabi ko na lang, bahala na... xD

Yun lang naman. Less than 1 hour lang naman kami nag-inuman.
Ganun pala yung inuman na tinatawag? hehe! parang nagmemerienda lang tapos substitute sa SoftDrink ang Mucho.
Yep. Parang ganun lang talaga. Ganun ka-LiteraL.
May nagLa-LapTop pa nga eh, nagpprogram. haha! Studious!
Wala namang mga may amats, maliban kay G1 at G2.
Pagtapos nun kantahan na. Solid na kantahan. Walang Inuman :)
Labasan ng Talent. bwahaha!
Kahit ako kumanta eh, 1st time kong nakanta sa Videoke yung YOUR GUARDIAN ANGEL. [Theme song namin ng long lost two timer ex ko. haha! lol! xD]
Walang katapusang Kodakan. Picture-Picture!

Inabutan na kami ng gabi. Malamang. Eh 6 na kami nagsimuLa.
Paglabas namin sa VIdeokehan (ano ba tawag dun?)
May iilang nag-iinuman.
naisip ko... Nakontrol ko ang sarili ko... makokontrol din kaya ng mga taong ito pag nalasing sila? *Tinutukoy ko yung mga umiinom na nakita ko*.
Naisip ko pa... Hindi rin ata ligtas yung ganun. Hindi Ligtas sa lugar na yun... Hindi Ligtas na uminom pala. haha!

9 na kami umaLis ng Sta. Mesa.
Base sa pagcompute ko, 10pm makkauwi na ako. Pero ganun talaga, may kamalasan pa rin talaga ako.
9:30 pa lang, sarado na D.Jose Lrt1.
Tapos May sunog sa caloocan, super hirap sumakay sa Monumento.
Pagdating pang Samson Rd., super traffic at ang ending? 10:30 pm na ako nakauwi.

Tulad ng inaasahan... papagalitan ako.
Wala akong palag, tama sila. MALI AKO.
BABAE ako. Hindi tamang umuwi ng ganung oras.
Mapapalagpas pa kung pag-aaraL ang ginawa ko, pero malinaw na HINDI.
Syempre, Hindi ko sinabi yung part ng inuman. Ang sabi ko na lang nagkantahan at kainan.
Sabi ni papa, "ikaw, may tiwala ka sa sarili mo... na mabait at mabuti ka. May tiwala ka sa mga kasama mo... eh sa mga nakakasalubong mo at nakakasakay?! mapagkakatiwalaan mo ba sila?".
...isang malaking TAMA. TAMA si papa. Sa panahon ngayon, marami ng loko-loko.
Kaya wala talaga akong palag eh.
Sabi ko kay papa at mama, matapos sabihin na kung ano na lang ang iisipin ng kapitbahay sa pag0uwi ko ng gabi.... "pa, minsan lang naman to eh. Alam nio namang dumidiretso ako sa bahay pagtapos ng klase. Bumawi lang ako, tsaka sinabihan nila akong gagabihin.... ako lang talaga yung pumayag at sumama. Di ko na uulitin. "
Sagot ni papa? "Ayun na nga eh! Yan ang nakakatakot! Ang minsan! Diyan pa ang disgrasya.."
naisip ko... " so araw-arawin ko papa xD " kaso bigla niang dinugtong...
"Masama ang minsan, Dapat Wala!".

bwahaha! ang saklap naman nung WALA.
Kailangan ko naman ng sociaL life. haha! LOL!
DI naman daw masamang makipagkaibigan pero hindi naman kailangang maglakwatsa :)

ay ang haba ng bLog ko. haha!
well, ganun talaga. Ang tagal kong walang updates e. haha!
Sa ginawa ko nung Saturday? Okay lang yun. Darating at darating ang panahon na kinakailangan kong uminom xD Yung tipong may ceLebration? haha! Ayoko namang doon pa ako magsisimuLang pag-aralan yun at mawala sa sarili pag bigLaan na lang diba? hehe.
Pero wala naman akong uminom ng uminom noh.
Sapat na muna sa ngayon yung nainom ko.
Di ko na muna susundan pa yun.
Bad yun sa Liver diba? haha!

Continue reading...

Saturday, January 23, 2010

I was about to lose hope... faith.






[ I was about to lose hope... faith.
Actually, may mga mabibigat akong personal na problema.
Hindi maiiwasang daraan sa ganitong stage ng buhay.
Na manghihina ka at kkwestyunin ang mga bagay-bagay.
Nung nakaraan lang, kinwestyon ko ang Panginoon.
Nagtanong at nagtampo sa mga pagkakataon.
Bakit ako pa? Bakit sa akin pa?
Pwede naman sa iba... xD joke! haha! ]

grabe.
Kahapon super mangiyak-ngiyak ako. Hindi ko magawa yung case study sa c#. Grabe!
Nagsunod-sunod yung kamalasan ko bago yun, kaya talagang lugmok na lugmok talaga ako nun. Yung way pa lang pauwi eh minalas na ako eh.

MALAS #1 : walang masakyan. kung meron mang divi, puno yun o puno talaga. haha! Hindi ko alam kung anong meron non.
MALAS #2 : sobrang traffic, tarpiks super! grabe grabe! para sa taong nagmamadaling umuwi dahil may tatapusin, nakakabadtrip yun ah!
MALAS #3 : Ayun pala! may rally sa mei legarda-mendiola. so ano?! eh di naglakad lang kami sa kahabaan ng legarda at recto. *First time ko makakita nun sa personaL :) yung talagang may mini stage pa sila. Astig!!
MALAS #4 : Nakakabadtrip lang naman yung katabi ko, kainis kainis! ang lufet umupo eh! Grr!
MALAS #5 : Malapit na ako nun sa bahay namin, nasa lagpas c3 na eh, ng eto!!! Yung mamang driver namin mei nakaalitang motorcycle driver. rawr! bakit bakit? May sasakay kasi eh, si ateng maganda at ateng maganda pa xD  . Eh di malamang itatabi niya yun para makasakay yung mga girLy babes :D , n biglang may mamang epaL.
"oi!, i-ano mo (hindi ano yung sabi nya eh, nalimutan ko eh, basta meaning nun eh iusod paharap? anong tawag dun? haha! iabante? hindi yun yung ginamit nia eh. Ang laki ng problema ko e noh? xD)", sabi ng mamang pangeT.
"sandaLi lang, may sasakay pa oh", sabi ni sir driver namin.
blah blah. ang daming sinasabi ng pangeT na mama na yun.
Tapos, himinto sya dun sa may tabi ng sir driver namin.
sabi ng panget na yun, "PU*$@& INA &*!! Sabing i-ano mo (ganun uLit. hindi ano yung sinabi ha xD)"
eh di syempre, for every action, there's an equal or opposite reaction, sabi ni sir driver "PU&^#% iNa mO rin!"
blah blah silang dalawa.
Ng biglang umakma yung panget na driver na bubunutin yung bariL niya.
Natakot ako non syempre. hala hala diba? eh andun pa naman ako sa side kung saan banda yung sir driver namin. Tapos ayun, umarangkada na ulit yung panget.

Balak ko sanang tignan yung plate number eh kaso madiLim tsaka mamaya bumariL pataLikod. haha!

eh tapos pala! Inabangan yung jeep ni sir driver. Biglang may bumato sa jeep niya sa di kalayuan at biglang U-TURN. Initial reaction? Syempre natakot, napa-antras kaya ako. haha! Syempre akala ko at akala namin baLa na yun diba? haha! Binaba niya pala muna yung angkas niya.

ayun, tapos MC na. hehe. Pero super kinabahan ako nun. Promise.
Diba may Gun-BaN? tae yun! Tsaka ang yabang yabang niya! Eh sa kahit anong angguLo maLi siya. Bigla syang susulpot gaLing sa pLaneta niya. Nako! ang yabang niya! tae tae tae siya! Pero hmmm.. actually, namumukhaan ko yun eh. Alam ko kilala ko siya. Hindi ko alam kung san ko siya nakita. Promise. Kung makikita ko ulit yun, makikilala ko siya.

Game balik sa countdown!

MALAS #5 : Walang net :( . Ewan ko kung anong problema. At ang ending? sa computer shop ako. Naghanap ako ng mga syntax ng mga feeling ko eh gagamitin ko.

MALAS #6: Biglang nawalan lang namang ng kuryente sa comp shop na yun!!! hay nakO!

MALAS #7: Masyado kong inintindi ang paghahanap ng mga syntax ng mga gagamitin ko pero nalimutan ko hanapin ang mga basic syntax. wew!!

GRABE GRABE!!! 10pm na ako nagsimuLa.
Lahat ay okay naman. Walang Error. Walang warning.
Pero biglang ewan na. huhuhu.

actually, nawaLan na ako ng idea sa OOP.
Ay hindi, nalimutan ko.
Ay ganun din pala yun. ahahaha! adik!

Parang Java Language lang din naman yung approach nia diba? Eh kaso wala yung book ko. Walang net. So nawawalan na ako ng pag-asa. As in naiiyak na ako pinipigiL ko lang.

Feeling ko hindi ko na talaga magagawa. Pag nagkataon, 1st time kong hindi magpapasa ng case study. :( Programming pa yun... yung ang masakit. :(

HIndi yun yung inaasahan ko. HINDI.

Pero hindi ako nawalan ng pag-asa *slight lang* :D
Gayunpaman, pinilit kong magpaka-chiLLax ;p
Sabi ko sa sarili ko, hindi ako pababayaan ni God. Kanina kinausap ko siya at dumaan sa tahanan niya bago pumasok sa school. Alam ko. Hindi niya ako iiwan at magagawan ko 'to ng paraan.
Sabi ko sa sarili ko "oh hindi hindi! kahit na anong mangyari magpapasa ako!"
At ayun! structured yung ginawa ko. hekhek! Pero may maLi pa rin. Ewan ko dun. Baliw! apat mag-iinput dapat pero nagiging dalawa lang sa grades. tae tae tae!

Pero ayun, di ko na natapos talaga at naayos dahil lagpas 3 am na. Pinapagalitan na rin kasi ako dahil kailangan ko pang gumising ng 4am para pumasok.

Ayun, humiga na ako at biglang pop up sa utak ko. At nasabi kong "ai! sabado na! birthday ko na bukas!" hahaha! Ang lakas ng boses ko, buti na lang walang nakarinig. kahiya e haha!

tapos pumikit.
at dumiLat.

Ayoko pa sana bumangon kasi talagang masakit ulo ko.
Pero nung nabasa ko ang mahiwagang mensahe galing kei fairy bluestar dolly. tenen! Napatayo agad ako at sinabi kay mama na "Mama! Paloadan mo ko!"
bwahaha! eh maaga pa kamusta naman yun.
At ayun, bilang mabuting cute na mamamayan ng PiLipinas, kinompirma ko muna at ipinakalat ang mabuting balita :) Eh wala nga ako load diba? Nakitext ako kay papa. Tinitxt ko ang yung mga representative ng wantu, wanwan, wanpor at wantri. :) para i-Gm nila. hehe. ang cute ko talaga. este ang bait ko pala. haha!

Naubos ko nga ata load ni papa eh, syempre talaga naman kokompirmahin din nila sa akin kung totoo yun at malamang magrereply din naman ako. Kaya ayun. hahaha!

God is Good... all the time :)
Binigyan ako ng chance! oh yeah!

Pero kahit wala ako tulog. Hindi na rin ako natulog. Ang haba ng blog ko noh? eto yung dahilan kaya hindi ako natulog. Hmmm. Fellowship bukas sa amin, pwede ba akong mag-puri bukas? haha! Yun ang gusto ko sana dati pa. Na sa araw ng birthday ko, magpupuri eako :)

[I was about to lose hope... faith.
Actually, may mga mabibigat akong personal na problema.
Hindi maiiwasang daraan sa ganitong stage ng buhay.
Na manghihina ka at kkwestyunin ang mga bagay-bagay.
Nung nakaraan lang, kinwestyon ko ang Panginoon.
Nagtanong at nagtampo sa mga pagkakataon.
Bakit ako pa? Bakit sa akin pa?
Pwede naman sa iba... xD joke! haha!

Pero eto! Hangga't andiyan si God. Di niya ako pabayaan. At hindi niya ako iiwan. Iboto nyo ko! ang bait ko. Joke! haha!]

1:30 pa ang class. kamusta kamusta? haha!
1 hr ko na ata tong ginagawa pero hindi ko maipopost agad. bakit bakit? eh walang net diba? haha! Mag-rent na lang ako mamaya sa school. hehe.
GodBless Us! :)

Continue reading...

A day with HIM :)




Start your day right! haha!
Kahapon, January 22, 2010.

maaga ako umalis ng bahay, para magreview.
Dahil wala akong nareview talaga ng bongga dahil napagod at nakatulog ako nung January 21, 2010.

Hindi rin ako nagkapagreview sa jeep dahil nakasakay ko ang bestfriend ko :) Si ANN :)
Ang kulit niya! MELAY talaga! haha! oh sige na! pati na rin ako! haha!
Kami ang MeLAy : the cuter version.  haha! LOL!

tawanan tawanan. Kulitan kulitan.
ai teka, A day with HIM pala yung title. Di ko na pahahabain yung story namin ni bespren.

Maaga ako nakarating sa Sta Mesa. Sabi ko, dadaan akong simbahan.
SInabi ko rin yun nung January 21, 2010. Grabe nga eh. Kahit late na ako umalis maaga pa ako nakapuntang Sta Mesa pero yung pangako kong dadaan ako sa simbahan, hindi ko nagawa. Natakot akong ma-Late. Kamusta ang exam nung january 21?  sa C#, okay pa. Nag-pray pa ako nun, less than hour ko lang natapos. eh sa logic design? :D Hindi ako nakapag-pray. masyado akong nag-enjoy makipagtawanan ng todo sa mga kaberks ko (*hindi nila kasalanan yun ah? kapabayaan ko yun). Ayun! halos inubos ko na yung time sa exam :(.

tapos nitong january 22, sabi ko bahala na. Yun ang first time kong pumasok ng simbahan mag-isa...
walang mama, papa at kuya.
walang kaibigan at walang kakilala.

Iba yung naramdaman ko sa pagpasok ko pa lang. May something. oh yeah something! haha!
Tapos nagpray na ako. Lumuhod na rin malamang :D

Di ko namalayan ang oras, parang ang sarap sarap ng pakiramdam ko nun. Kaso nahiya ako sa mga tao, nakailang batch na ata ng nagdadasal pero andun pa rin ako. haha!

Sa exam, ayun... less than 40 mins sa dbms... at less than 50 mins sa tech doc. :D
Yabang ko! siyeeeete! xD LOL! haha!

Kung ano man ang makuha ko, okay lang. Yun ang dapat na score ko.
Kung makapasa ako, salamat God!
Kung hindi, buti nga! haha!

Kung dahil lang sa madali yung exam kaya ko natapos... aba! galing ko pa rin!
Kung mahirap pala... eh di mas magaling ako. haha!

Ano ba tong nangyayari sa akin?
Inaangkin ko na ang lahat ng to.
wala namang masama diba?
Kailangan ko lang mag-think positive.

Kung ano man grade ko sa ngayong 1st half... nagrereflect lang yun sa kapabayaan ko.
Babawi ako.. magiging responsable ako.

Ay teka. A DAY WITH HIM nga kasi title. dapat sa Kanya ang kwento haha!

A Day with HIM :)
Sobrang magaan ang pakiramdam ko.
ayun lang naman
salamat God!

Kahit na sinubok mo yung faith ko sayo sa araw na yun. hehe I LOVE YOU GOD!!!

Continue reading...

Monday, January 18, 2010

Plan A to Z : CANCELED.


" kung kaiLan naman nagkakaroon na ako ng perpektong pLano bigLang sisingit ang suhestiyon na hindi pwedeng ireject. ang gara gara >.< "

-Gumaganon pa ako? haha!

Magbbirthday na pala ako eh noh? 18th bday to friend. hmmm. ang plano? wala.

Dati pa lang ayoko ng debut super party ek ek. Wala naman na akong boyfriend na e. LOL! joke joke! Wala naman akong balak mag-tapon ng malaking pera para sa isang araw lang. hoho. aw! napaghahalataang kuripot pero... praktikal lang ako. ATA. Sa takbo ng ekonomiya ng bansa at ng buong mundo... nako! 90K for a decent debut package. Diyos miyo marimar! haha! PERA-hin na lang diba? haha! joke!

Dahil papalapit na yun at marami ng nagtatanong sa akin kung anong plano, windang na windang na ako. May 1 week na lang ako. Grabe! G-R-A-B-E. Eh this week, departmental exam na. Midterms na sa lahat! Matira-matibay xD

Gusto ko sana simpleng celebration and quality time with my parents and friends.... and relatives (meron ba? xD).

1) COLLEGE FRIENDS
Dahil masyadong malayo ang bahay ko sa mga kabahayan nila at Sunday pa yun. Malamang walang pumunta. Kaya naisip ko, magdala na lang ako ng kahit na anong mga ano tapos SM na. Kantahan na maLufet. KASO. KASO dahil nareshuffle kami, hindi magkatagpo-tagpo ang mga mahihiwagang schedule namin. Target na araw? Saturday(23) o Monday(25). Pero hindi rin kami magkakatagpo tagpo nun T__T kaya malamang kain kain lang mangyayari. walang sm... walang gala. Pero mas oks sana kung Sunday mismo kaso. Basta ayun.

2) HS FRIENDS
Pinuntahan ako kahapon ng friend ko, nagtatanong anong plano ko. Sabi ko wala. Sabi niya kantahan na lang daw. Sabi ko oh sige bahala ka. Pero SUNDAY yun, walang tao kung hindi ako. T_T

3) FAMILY
Magkakasama naman kami sa bahay, kaya kahit na ano na lang. Si kuya naman malapit lang bahay nila. Kaso.. Kaso SUNDAY nga eh! T___T yun ang pinakabusy na araw sa pamilya namin :(


Ang ending, naisip ko yung mga college friends ko, mag-overnight sa bahay. Unique yun xD haha! Eh 6pm ang uwi ng section 4 kapag Sat eh, sakto sana Sunday. O kung hindi talaga. Ayun nga, yung magdadala na lang ako.

Sa HS FRIENDS, gagabihin sila sa Sunday pero kung oks lang... sana oks lang.

Sa Family, syempre naman kasali na sila dun. xD nasa isang bahay lang naman kami e.


Medyo magulo kung ikkwento pero may perpektong plano ako :) pero nung nalaman kong isasabay sa FELLOWSHIP yung birthday celebration ko... aaminin ko. Nadismaya ako. Bakit sa araw pang yon? Desisyon yun ng mga ka-SOC namin (Soldier's of Christ) . Naisip ko, gabi yun gagawin. Whole day akong ganun? 7am-1pm nasa charismatic community tapos may ganun? So saan isisingit ang bday ko? Yung trip kong rock-rockan na malufet na kantahan, di na pwede. Bawal mag-ingay... yun eh kung makakapagkantahan man lang kami.

Isa pa, ang pumasok sa isip ko, yung mga taong ngayon-ngayon ko lang nakilala ang makakasama ko sa birthday ko? Grabe. Ang bad bad ko talaga nun. Pero naliwanagan na rin ako. Okay lang yun. Dapat matuwa ako at magpasalamat kay God kasi naging CUTE ako xD este umabot akong 18.

Dapat din matuwa ako kasi yung mga sinabi kong ngayon-ngayon ko lang nakilala eh yung mga taong nag-plano para sa akin.

Nakaka-touch at... nakakahiya, nagkamaLi ako kanina :(

Sorry po God!
I trust you!




PS.

Pero ang plano ko last year? Children's Party ang theme. PROMISE. Gusto ko mga games! LahaT! Gusto ko lahat din ma-feel ulit maging bata. Gusto ko nga kasama si Jollibee eh haha! kaso parang out of this worLd naman kung ganun nga. haha!
Continue reading...

Sunday, January 17, 2010

unpublished note # ??


Kagaya ng nabanggit ko sa previous blogpost ko (tignan mo dito daLi :D) , isa ito sa dalawang sinulat ko na kinamataran ko nang i-blog na biglang nagkalat T_T. hehehe. 1st year college ko ata 'to ginawa eh. Tanda ko umiiyak pa ako habang sinusulat ko 'to. Wew! Medyo hindi ko na tanda yung rason kung bakit ko nasulat 'to.

"
As a 17 y/o gal, I have lots of regrets in my life and one of them is to enjoy the happiest moment of a person's life : THE CHILDHOOD DAYS. As early as 6 years old, my mind was open to focus on my studies and to die for higher grades: To commit suicides for doing homework and project alone - without any help from my friends, siblings and even from my papa and mama. They let me do the things alone. They'd never do the same thing to my 3 older brothers. They say that it is their technique so I can learn on my own... a technique... an experiment. A successful experiment because yes, I learned and I got high grades.. higher than what I expected but lower than what they want. I tried to get higher grades but I'm always in the 4th place and I must admit that I didn't give my best because I don't want to. Why do I have to die to get 95 if 75 is the passing grade? hehehe. and why do i have to be the best if being a 4th placer was not appreciated by the people I love. The important for me before is only to focus on my studies - to do what I have to do and to learn what I have to learn - to learn more than what is needed.

I didn't waste my time for toys and barbie dolls even if my parents offered it. I didn't waste my time laughing with someone's jokes. I didn't waste my time with the things that makes other children busy. I believed that there's another time for those things. But then I realized, that what i considered 'wastes' are the days, are the moments that I will never experienced again. That I missed those chances that God give to a man's life.

So I got older and became a HighSchool Student, I try to cope with the other students, to laugh with them and I'm thankful that I met my 5 best friends that made me realized that its not too late to experience to be a little girl again, to be true to myself, to run and run and run in the school's quadrangle, to laugh and laugh and laugh, to be not that serious in life and oops... to be not that serious in studies but what's good to me is that I didn't forget the student's responsibilities. I didn't got general average lower than 88.13 and I thought that's enough. Again, for me it's enough but my parents would never ever be proud of me. They kept on questioning me, why can't I belong to section 1? Why can't I belong with the best? and they will kept comparing me with the whoever Poncio Pilato's children. They cant get rid off the words.....
"

Grabe, anong klaseng kaluluwang ligaw ang sumapi sa akin para magdrama at mag-emote at mag-engLish? haha! kalokohan! xD Tanda ko humihingi ako ng suporta niyan eh, as in suporta na hindi financial support.  Putol ba? hekhek. Nawawala yung kadugtong eh. Eh basta ayun na yun. XD

Continue reading...

TaTi: NO to diary entry and YES to blog post!


Para sa taong hindi mahilig magkwento ng masasakit at malulungkot na pangyayari at alaala. Binubuhos ko ang lahat sa mga blogpost ko.

Mas prefer ko ang mag-blog kesa sa diary entry. Wala lang, bukod sa hindi kagandahan ang hand writing ko at tamad akong magsulat, napakaliit ng probability na mabasa ito ng mga kuya at magulang ko. Isa pa ay hindi rin naman ito babasahin ng mga kakilala ko. So walang mangyayaring masama kung gagamiting kong outlet ng paglabas ng emosyon ko ang BLOG na tulad nito.

Pero dumadating sa punto na gusto kong ilabas ang nararamdaman ko at magpost, ay wala naman ako sa bahay at sa kung saan man na may PC o kaya naman ay dis-oras na ng gabi. So ang gagawin ko ay magsulat na lamang. Tapos itatapon na, pero nitong mga nakaraang buwan o taon na ata eh bina-blog ko na rin yung nasusulat ko. Para makahingi ng advice.

Kagabi, napasulat na naman ako ng todo. Hindi ko nga alam kung ipopost ko rin eh. Iba kasi yung topic. Pero ayun na nga, sa takot kung may makita dito sa bahay, hinanap ko yun pero ang nakita ko ay yung sinulat ko noon. 2008 pa yun eh, tungkol yun sa dakila kong two-timer xXx (aw. bitter?) sa pagkakatanda ko e napost ko na rin yun sa isang social networking. Ayun nga, nakita ko yun sa book ko sa Database. Grabe. Hindi ko natatandaang inipit ko yun dun. At malapit pa sa unahang bahagi? GRABE!!! At kung ako man ang naglagay nun ay malabong hindi yun nakita ng kuya ko at kung sino pa man. Tatlong araw ng iniwan ko yung book dun sa may mesa sa may hagdan. Tanda ko pa nga na tinanong ako ng kuya ko kung may MS ACCESS daw bang topic don. Samakatuwid eh nabuklat niya yun. Parang nakita ko nga rin na binuklat niya yun. Ayun. GRABE!! kakaiba pa naman yung nasulat ko dito. (Hawak ko pa yung papeL e hehe) Hindi ako makapaniwalang nakapagsulat ako ng ganun dati? Umaygad! haha! Pero ayun nga, nakakahiya naman kung nabasa nila yun. SUPER!!! May part pang ganto oh

" Maybe trip lang and the worst thing is "pinagpustahan". Out of this world ba? Baka kasi ganyan nangyari eh. Malay natin. Lahat naman ng toh hindi ko inisip"
 -eww diba?! ako ba yun?

"Grabe! Bat kailangan kong maapektuhan eh wala na rin kami?! Simple lang, nakakabastos kasi eh! Walang respeto sa nararamdaman ng iba! Walang modo! Walang ah ewan!"
-ewwness talaga. haha!


Actually, nakita ko na yun last last month na pakalat kalat din. Di ko alam kung bakit. Pero alam ko kasi nilabas ko lahat ng kalat ko sa kwarto ko tapos si Kira (Ung aso namin) makulit. T_T E walang trashcan na available sa 2nd Floor kaya binalik ko sa gamit ko, tapos eto na nga yung nangyari. Huhuhu. Kaya ayun, pinunit punit ko na para sure. bwahaha! Pero sana hindi nila nakita noh? Sana... sana..
.
Continue reading...

TaTi's Favorite Color


What's Your Favorite COLOR?

Astig. Parang slumnote/ slumbook lang.
Pero seriously, hindi ko alam kung anong favorite ko.

Sa paglipas ng panahon may natago akong database sa utak ko, sabi "NILA" eto daw yung favorite ko xD:

Nagrereflect ata yun sa kulay ng mga gamit ng isang tao. Malamang. Pero kung pagkakataon ang nagbigay sayo ng mga gamit na ganon? Favorite mo ba yun? o ano?

PINK 
----> As a girl, syempre nakadikit na ang pink sa mga BABAE. Tanda ko pa nung nasa grade school ata ako nun, may pink shoes, pink rubbershoes at pink sandals ako. Sabay sabay na binili nila mama. GRABE! OVER! haha! Dahil isa lang akong anak na babae, ayun pink na. Pati sa bag... pink. Madalas hindi ako kasama kapag may binibili sila. Minsan naman, pag ako ang kasama at tinatanong kung anong gusto ko, ayun... walang imik at sasabihin ni ateng saleslady, "eto po, pink bagay sa kanya". Ayun na. Wala namang masama sa PINK. Napaka-iconic din non diba? PINK ay para sa girLs.


RED
----> RED is LOVE. Pag-inlove daw puro na red. eh paano yun? nadikit na sa akin ung red nung bata pa lang ako? hekhek. It all started here : Grade 4, in preparation of Foundation Day. Dahil favorite ako ni mam. xD ayun, sinali ako sa dalawang performance. Red ako sa isa then sa isa, mala-chinese effect kami XD  so red din. Ayun lang naman. Tapos ewan, pagkakataon lang din siguro na nung mga time na yun, puro red ang binibili ni mama na shirts, shorts, sandals, slippers and dresses. wew! Ala nga namang hindi ko suotin yung mga yun diba? haha!



VIOLET || LAVANDER

----> Isa pa yan! Anyway, same story lang naman kagaya nung mga nasa taas, dumating sa point na halos lahat nga gamit na binibili at binibigay sa akin eh VIOLET and LAVANDER.
 
 
And just like the classic case scenario. Kung anong madalas kong suot, ayun daw favorite color ko. wew! hekhek
 
Hmmm... the bottom line? wala. haha!
Ahm. Nagcocope lang ako sa mga nangyayari sa buhay ko? Ganun ba yun? Garabe, parang walang patutunguhang magandang idea tong blogpost ko. hahaha!
 
Siguro niyayakap ko na lang ang mga pagbabago. haha!
 
Pero habang nagkakaedad ako at nagkakaiisip sa mga bagay-bagay. Gusto ko ng kahit na anong kulay. Gusto ko makulay ang buhay! hahaha! wala lang. Madalas naman akong nadedepress at nagiging sad ang kapaligiran kaya para maitaboy ang mga bad bad bad vibes na yan, super colors ang kailangan plus rock-rockan na music. astig diba? haha! panalo! 




ayun lang naman, pero napapadalas ang tanong ng mga friends ko sa favorite color ko, anime, etc., sana walang kinalaman yun sa bday ko. Hindi naman sa hindi ko naappreciate yung mga ganon pero it's the thought that counts. hehe. wala lang. Halos lahat ng friends ko estudyante pa eh, wala pa naman silang source of income, so nag-sasave pa sila. wala lang. hehe. Ginagawa ko rin naman yon pero wala lang. hehe. Ano ba yan. Puro wala lang. Basta batiin lang ako sa Birthday ko, masaya na ako e. Wala lang.... wala lang.
Continue reading...

♥Join Na!♥

send2meni

 

♥ T a T i B i ♥ Copyright © 2009 Cosmetic Girl Designed by Ipietoon | In Collaboration with FIFA
Girl Illustration Copyrighted to Dapino Colada