Saturday, May 1, 2010

Not Like The Movies






Lyrics:

I’m your average dreamer, I’m a true escapist... See More
Always expecting a happy ending
Maybe I’ve been watching too many movies

Maybe I should grow up and start pretending
When I saw your face thou, everything was slow mo
And I started wondering why..?…

Why can’t it be?

Just a pathway full of roses
Leading to a sunset view
With the one you’ve always dreamt of greats

Why can’t it be?

It was like a movie scene, the way I felt for you
Only you didn’t fall, now it’s not like the movies at all
(…not like the movies at all..)

Should I kept my heart charged
Should have been more patient
Should I kept deny on my addiction

What was I expecting
Did I have a vision
Of a scene that only lived in fiction

Now I know that you are not gonna be my co-star?
And it starts to wonder why..

Ohhhmmmm….
Continue reading...

Sunday, February 28, 2010

UNWELL




okay okay. ayun na.
Kagaya nung nasabi ko sa naunang blogpost ko [ui, naintriga siya, view mo dito daLi XD :: "ayoko ayoko ayoko" ]
nararamdaman ko yung sakit at hirap sa paghinga.
Di ko alam kung sasabihin ko pa kina mama.

Pag sinabi ko, hindi ako papasukin bukas. ABSENT na naman.

Wew! sa isang banda, kasalanan ko rin naman ata. Mali mali ang dosage ko.
Akala ko talaga 3 drops lng yung gamot eh, 10 pala.
Nagpupuyat ako sa project na hindi ko naman magawa ng tama.
Wala na sa oras pagkain at pag-inom ko ng gamot dahil din sa project.
Lagi na lang ako napapagalitan dahil sa mga 'to.

Pero okay naman yung pakiramdam ko kahapon, sabi ko nga diba sa isang blogpost ko.wew! nararamdaman ko yung eksaktong sakit na naramdaman ko last monday.

Help me God. Sana kayanin pa ng katawan ko. At kayanin ng utak ko tong mga projects. haha! ampfT
Continue reading...

Saturday, February 27, 2010

ayoko ayoko ayoko


argh .

di na naman maganda pakiramdam ko.
nahihirapan na naman ako huminga.
masakit na naman ung left chest ko... lung pala hoho rawr! xmpre kasama yung likod.

natatakot ako, baka bumalik yung masamang kondisyon ko.
okay na eh, nakakahinga na ako ng malalim.
walang sakit, walang kirot.
pero eto na naman. wew!

para naman sa DBMS kaya ako umalis ng bahay kanina, pero parang medyo nagsisi ako na parang okay lang kasi may natutunan ako kaso parang ang sakit talaga eh. :(

bukas may follow up check up na naman, natatakot tuloy ako.

Ayoko na ma-admit.
Ayoko na maconfine.
Ayoko na maging PASYENTE.
Ayoko na maramdaman lahat.
Ayoko na sa injection.
Ayoko na ng kinukuhaan ng blood samples.
Ayoko na sa Dextrose.
Ayoko na yung mahapding antibiotics na nanunuot sa ugat.
Ayoko na ng laging pagkuha ng blood temp at blood pressure.
Ayoko na nung hindi ka makakatulog.
At marami pang ayoko. maraming marami.


Tapos sabay pa tong DBMS.
GRABE!!! ang simpleng ERD, nagiging komplikado ata pag ilalagay mo na sa MS ACCESS.

Suko na nga ako eh.
Kung wala lang akong kagroup, hindi na ako gagawa. BAGSAK kung BAGSAK.
ang tibay. haha! eh kung lilipat din naman ako, eh di waLey din yan.

yang lipatan issue ko, parang gusto ko na nga rin e. ipopost ko sa mga susunod na araw kung bakit.

grabe ang ERD, nasabi ko lang bigla "nakasurvive ako para harapin tong DBMS?! "

 aw. hindi na ako inuubo. ampfT! kaiLAngan kong maubo para malabas ko ung phlegm ko. kainis. ano bang nangyari talaga? :(
 
Continue reading...

Friday, February 26, 2010

' mamahaLin ko na ang sarili ko. '


there's no place like home. :D
hoho, nakauwi na rin ng bahay.
okay lang na mamiss ko yung dalawang nurse, doctor at ibang staff... kesa naman magtagaL pa ko dun haha!

di ko na papahabain.
akala ko heaLthy ako yun pla tatlo-tatlo na sakit ko.
Kaya kayo! nako! mag-ingat ingat nga kayo. haha!

mahirap magkasakit, ang hirap promise! plus the expenses at gamutang hindi masaya. haha! at mabuhay ng my Limits. rawr!

pagtapos ng mga nangyari... mamahaLin ko na sariLi ko haha! ipapamper ko na sarili ko para di magkasakit xD

umiwas sa mga dapat iwasan
ay hindi.. hindi ko na kayo bibigyan ng listahan, alam kong alam nio na yun, ayaw nio lang talagang gawin. haha! baka magsisi kayo... *dibiL LaF*
at higit sa lahaT, sumunod sa simpleng ano ng mga parents, tama sila. kahit yung mga pinakasimpLe tulad ng wag magpapatuyo ng pawis? NAKOW!. promise. haha! xD


...aun lang naman.
desperado na akong gumaLing talaga ng todo-todo.
yung gumising ng normaL ang nararamdaman. basta basta
*BOW*


PS. wala pa pala akong nasisimuLang project. aw.
Continue reading...

Tuesday, February 16, 2010

Bong Bong Gang



February 16, 2010

Sa kadahilanang napakabait na bata ng BSCS 2-2 ay hIndi na kami umattend ng PhiL Lit. bwahaha!
Eh hindi na rin naman dumating si mam eh. Di na namin kasalanan yon.

Sabay-sabay bumaba't naglakad ang isang grupo ng mga tututs :D bscs - tutu :D
Kulitan palabas ng main building at ng makalagpas sa interfaith chapeL at open university, napagdesisyunang maglaro ng bong gang bong ga :D

FIRST GAME? PATINTERO - malamang 2 teams ang maglalaban. Kopong-Kopong na tapos eto ang line up.
First Team : Ako, BongBong, Denz, Redg, Justin, Billy
Second Team:  Geneva, XeL, Camille, Jude, Eli, PauLo

Muntik na kaming maka-score eh, kaso si ELi, kasaLi daw buhok. haha! sayang tuloy effort ni Justin xD - eh gusto ko rin sana magkascore na kami o mataya, wag lang ma-stack at maghintay ng matagaL kaya nagpakabayani ako. bwahaha! eh kaso na-taya yung buhok ko eh. haha! sayang xD

Dahil may katagaLan yung laro na yun, pinalitan na namin. Due to insistent public demand of Camille... :D pinalitan na ng "AGAWAN PANYO".

Start na ng SECOND GAME. AGAWAN PANYO featuring VALERIE DIO :)
Ganun pa rin yung groupings, di na sumali sina Billy at PauLo.
Syempre start muna ng pag-eexplain sa game.
Tapos ayun na. First Time ko makapaglaro nun. Ang saya saya, ni hindi ko man lang nahawakan yung panyo haha!
Pero ang saya na rin.
Si Camille ang MVP ng Game na to. Ang daming technique! PROMISE! haha!
SI eLi naman feeling athelete, inikot na ata ang catwalk at antique house ni apolinario mabini.
Si bongbong naman, mala-PALOS! parang action star kung makatago at makapaghanap kei eLi. :D
at syempre... si Justin, ang nakahuLi kay eLi. Naka-invisible mode kaya di nakita ni ELi. haha!
ang kulet talaga ng lahat. ang saya pa.

Pagtapos non... tapos na. haha!
Break Time.
Umupo-upo, kantahan naman. SessionisTasss? xD haha!
Sa kapangyarihan ng gitara ni Jude, ayon. kantahan nga kulet. haha!
Ang galing nila maggitara... si bongbong, jude, eLi at si Justin. xD
Tapos parang gabi na ata, uuwi na sana kami ni Geneva, pero sabi nila kakain na muna at mag-star gazing na daw muna haha!
So ayun, bumiLi na muna kami ng pagkain tapos dumiretsong OVAL :D                    
Kain Kain... FoodTrip? LaughTrip? Kanya-Kanyang trip haha!       
Picture-Picture sana kaso ayon.. Mission : FaiLEd. xD ang diLim kasi eh. So change Location na muna. Lipat sa kabilang side ng stage tapos bumaba sa ground para magLaro.. ULIT. :)       

Bubuka ang bulaklak... sasara ang bulaklak... bubuka uLit at magsasara pa. at ewan na lyrics. Parang mga bata. ang cute naming lahat. WALANG PAPALAG!

Tapos yung may piring naman, di ko alam tawag dun eh. haha! Ang saya din non. PROMISE! Panalo! Buti talaga hindi na ako nahuhuLi kasi kung sakali. kawawa naman ako haha! Obvious na agad dahil makapa lang eyegLass ko. BOOM! huLi ka kaTH! haha!

Tapos ayun na yun, bumalik na rin kami sa stage, tapos consequence o consequence. haha!
Together with geneva, sumayaw kaming i waNT NOboDy nobodY buT yOu... but YoU buT yoU :D Syempre hindi na ako pumalag. Favorite ko yun eh. haha! With feeLings pa friend! haha!
Si bong bong at justin naman, di ko na matandaan ginawa. haha! kumanta ba o sumayaw. haha!                    
Pagtapos na rin non nagdecide na kami umuwi.
Picture picture sa catwalk. Tapos UWIAN NA!!!!

Ayun lang naman.
ANG SAYA!!
"Bong Bong Gang" - ewan ko kung ano to haha! joke!
Nag-isip sila ng itatawag sa grupo namin eh. Sana grupo nga yon. Baka naman sa araw lang na yon. haha! Wag naman.

Ang saya! hehe. feeling close lahat eh... diba camille? xD
Sana maulit ulit. Nafeel ko talaga ang BSCS 2-2... hindi ko naramdaman yung boundaries sa wanTu, wanTri at waNpoR. walang representative yung wanwan e haha!
Continue reading...

Untitled 2


Feb 15, 2010

Hindi ko pa naipost ang blogpost ko nung Feb 13, eh eto na naman ang blogpost na kadugtong non. hehe
*Hindi ko napost kasi nawala copy sa usb hehe*

February 15 ngayon, matapos ang napakabusy na araw, napagdesisyunang mag-SM Sta Mesa para manuod ng movie ngayon.
Nung una, nasa mood pa akong maLufet.
Masaya, happy-happy... saktong masaya dahil kahit busy maisisingit ko pa yun.
Nagawa ko pang mag-Nobody Nobody But You sa Jeep :D nung papunta pa lang kami.

Nakabili na ng ticket si BoyLeTs_3.
Sina GirLaLou_2 at BoyLeTs_1 naman ay umalis para bumili ng makakain pag nasa loob na ng sinehan.
Okay na okay na eh. Pero sa di ko matandaang pangyayari, nabuksan at naisingit sa usapan namin ni BoyLeTs_4 yung "******" , isang salitang diumano ay ang pinaghalong pangalan ni BoyLeTs_1 at BoyLeTs_2.
Nainis ako.

*TRIVIA?: Teka, yung "******" .. one time kasi habang papunta kaming NALLRC, ewan ko, may tinatawag ata ako non. Mababanggit ko ata yung pangalan ni BoyLeTs_1 tapos parang dahil maLi kaya si BoyLeTs_2 pero mali pa rin kasi ang tinatawag ko non eh si BoyLeTs_3. Hmm.. magulo ba? Pero magulo talaga ako.  Kung hindi lang talaga malisosyo sila mag-isip eh hindi na siguro nila maiisip yung ganun, bakit? kasi lagi naman ako nagkakamali sa pagtawag ng mga pangalan. PALAGI. Madalas pa nga nalilimutan ko pangalan nila. Grr. Yun ang kwento nung "******" .. BOW*

Di ko maisip kung sa paanong nalaman o naisip ni BoyLeTs_4 yung kay BoyLeTs_2... at nadagdagan pa ng BoyLeTs_1, gayong wala naman akong sinasabi sa kanila. Ni hindi nga ako obvious eh.

Sabi ni BoyLeTs_4, naisip niya raw yon dahil sa ******. Pinagloloko niya ba ako? tandang tanda ko bago ako magkamali sa pagtawag ng ******, eh nagsisimula na siyang mang-asar? Di naman ganun kahina ang utak ko para maniwala sa ganung palusot.

Pangalawa, bat naman nila maiisip din yung kay BoyLeTs_1. Eh nung araw na yun nung narinig nila yung ******... si BoyLeTs_2 yung naisip nila. NAIINIS NA TALAGA AKO AH. Di maalis sa isip ko na si GirLaLou_1 ang nagsabi sa kanila. Pasensya na kung ganun na ako mag-isip. Kung babalikan kasi yung unang blogpost ko, sinabi ni GirLaLou_2 sa akin na sinabi daw ni GirLaLou_1 sa kanya yung mga napag-usapan namin sa jeep noon. Sensya TAO LANG AKO :D . Di maiiwasang magduda lalo't may batayan ako.

Pagtapos kasi nung makwento sa akin ni GirLaLou_2 yung mga kinwento ko kay GirLaLou_1, lahat sila ganun na. Kahit si BoyLeTs_3 at BoyLeTs_4.
Bawat galaw ko, ididikit nila sa pangalan nila BoyLeTs_2 at BoyLeTs_1.
Kahit wala nga akong ginagawa, kung makapang-asar. Nako!

Kanina, kinompronta ko na si BoyLeTs_4 at BoyLeTs_3, isang casual at may humor atang usapan... at ang sabi nila dahil daw sa ******.
So maniniwala ba ako? Ganun na ba kabagal magprocess ang mga utak nila para mag-sink in lang yung ****** pagkalipas ng isa o dalawang linggo?
Na kung muling pagbabatayan ang mga naunang sinabi nila eh si BoyLeTs_2 lang yung nasa isip nila, tapos bilang susulpot yung BoyLeTs_1?

Wew! Sorry talaga, pero nabawasan ang tiwala ko kay GirLaLou_1.
Para kasing iba yung kinilos niya nung lumayo ako bigla.
Bigla siyang nagtatanong kung kamusta ako at kung anu ano pa.
Sa nakita ko, nag-alala siya. Maaring nabagabag at naguiLty ng konti dahil sa nangyari? Ay praning na talaga ako. xD
Kaso medyo nainis ako nung sinabi niyang, "ikaw kasi eh, nag-****** ka pa (******* = yung pinaghalong name nila)" ... para kasing ako pa may maLi?! Ay maLi...mali ko talaga yun. Pero may mas MALI pa ba sa pagkkwento ng isang storyang ipinagkatiwala lang sayo?

Hindi ko alam kung siya rin ang nagpaalala at nagkwento sa iba... kung direkta niya mang nakwento sa iba? o dahil lang din sa isang nagkwento sa iba ? o naging pulot pukyutan ang storyang yon sa gitna ng kwentuhan nila. Ay ewan. PERO ANG ALAM KO ... MASAMA ANG LOOB KO.

Sabi ni GirLaLou_2 at GirLaLou_1, kahit malaman pa daw ni BoyLeTs_1 yun *dahil nalaman na nga rin ni BoyLeTs_2* ... eh magiging normal lang ang lahat. parang wala lang.
Pero naisip ko... "ITO BA YUNG NORMAL?! Yung lahat ng bagay na ginagawa mo eh binibigyan ng malisosyong kahulugan? YUN BA YUN?!. "

Sabi pa nila, nakalipas na rin naman daw yun... DATI PA YON. Pero hindi ba... yun na nga eh, dati pa. NAKALIPAS NA. Bakit kailangan pang ibalik at buhayin ang kwentong wala namang nagtatanong at nagpapakwento? GRR! Ewan ko ba.

Nakakadisappoint lang kasi... Nadisappoint ako sa pinagkatiwalaan ko at kahit sa sarili ko... kasi nagtiwala pa ako.

Siguro tama nga yung iba, "hindi mo katulad ang mga taong nasa paligid mo, at hindi ka rin nila katulad." ~ I'm living with the people with a different point of view in life. Siguro hindi porket ganun ka sa tao, eh ganun din sila sa iyo.

PS. HaaisT. pag nagkakacrush pa naman ako nilalayuan ko talaga. Lalo pag may nakaalam na. bakit? kasi yun nga yung iniiwasan ko, ang bigyang kahulugan ang mga ginagawa ko, ang malagyan ng kulay ang mga pinakasimpleng bagay na nagawa ko, at ang nakakairitang panunukso sa pagitan ng okay naman sanang samahan.

isa pang PS. wew! ang babaw siguro dahil crush crush lang pero napahaba kong ganto. Pero ang bottom line? hmm.. secret. basta ang alam ko , it's all about TRUST.

Continue reading...

Untitled




Dahil super busy ako, ngayon ko lang maipopost...



Feb 13, 2010

Kahapon,hindi na ako sumama at sumabay sa mga kaibigan ko.
Wala lang, uso eh. JOKE!

Nabadtrip lang ako?
Nagtanong si GirLaLou_2 sa kanila kung anong plano.
Ni hindi man lang sya pinansin kahit obvious namang narinig nila yung sinabi nila.
Malamang, trip trip lang. Dahil nagmumura na rin naman si GirLaLou_2 nun at malakas ang boses, di malayong mapagtripan nilang hindi mamansin.

Mag-SM, Yan ang plano nila nung lunch break.
Feeling ko rin naman, hindi ako kasama sa plano nilang iyon.
So bakit pa ako magsusumiksik na makisama't sumama?

Pero nung sumagot na sila, at walang matinong sagot? Nag-walkout na ako.
USO EH. haha! JOKE uLit. tawa ka daLi. haha!
Wala lang. Obvious namang ayaw nilang mag-SM eh.
Obvious namang wala silang balak.
Obvious naman na kung sakaling matuloy nga... NAPILITAN LANG SILA.

So nung nagsabi na akong aalis, sumama na si GirLaLou_3. (Pupunta siyang trinoma... ang sarap sumama. xD)
Nung paalis na ako, niyaya ako ni GirLaLou_1 na mag-SSM na daw sila.
Lumingon akong pabaLik sa kanya, at sinabing uuwi na ako.
At sinabi niyang kina BoyLeTs_1 daw sila pupunta.
Ganun pa rin ang ginawa ko.
Parang ayoko kasi nung nag-walk out na babalik pa? hoho.
At ayokong palabasing nagpapapilit ako kaya hindi na ako bumalik talaga.

ISA PA. Kung hindi sila magdedesisyon ng maaga, malamang sa malamang. GAGABIHIN NA AKO. At tulad ng nabanggit ko sa last post ko, mapapagalitan na naman ako pag nagkataon.

Medyo nakaka-guilty lang na matapos nilang hintayin kaming matapos ang klase, hindi ako sasama. Nasabi ko na lang na "Hindi baLe, andun na rin naman si GirLaLou_1 at BoyLets_3." Pero nasabi ko pa ... "sige kath, okay lang yan. at least naramdaman na rin nilang maghintay sa wala :D" ~> may pagkakataon kasi na naghihintay kami tapos wala pala. Na it's either may plano silang sila-sila lang o pagtapos naming maghintay eh iiwan pa kami o kaya naman sisigawan at mamadaLiin. Wew! Ano to? TaTi : UNCOVERED?! haha! lahat na ba ng sama ng loob ko masasabi ko dito? xD

At sa mga puntong yon... wala na rin ako sa mood non. Nabadtrip nga diba? joke. :P

Bago pa rin naman ang mga senaryong yon, nasira na ang araw ko. (Kahit patapos na ang araw :D)
Wala lang, nalungkot ako bigla at syempre aaminin ko. SUMAMA ang loob ko sa nalaman ko.

Kaya pala tinutukso na ako ng  grupo nila (tuksuin daw ba ako kay BoyLeTs_2), eh may nabanggit pala si GirLaLou_1 sa kanila.
Nung nalaman ko yun, pa-smile smile lang ako. Pero deep inside... na-ano ako.
Iba kasi naramdaman ko non.

Si GirLaLou_1, nagkwekwento siya sa akin. Mula sa pinakamalaki, hanggang pinakamaliit na kwento ng buhay niya.
Magmula sa pampubliko hanggang pribadong nararamdaman niya.
Masaya ako. DAHIL PINAGKAKATIWALAAN NIYA AKO... na isa ako sa kakaunti atang pinagkakatiwalaan niya.
Nais kong ipadama sa kanya ang nararamdaman ko, BILANG GANTI... gusto kong ipakita na may tiwala ako sa kanya. Nagkwekwento rin ako. NAGTITIWALA din ako. Tulad niya, nagkkwento ako hanggang sa mga pribadong kwento ng buhay ko.

Hindi ako pala-kwento tungkol sa personal kong buhay, nakalipas man o sa kasalukuyan.  Dahil iniiwasan ko ang mga ganitong pangyayari.
Naman!! Alam ko normal lang ang pa-crush crush hoho.
[ Nalaman na rin naman ni BoyLeTs_2 na naging crush ko siya last year. (dahil sinabi rin nila sa kanila  -_-  )]
Pero ayoko at naiirita talaga ako kapag iniinis ako. Kainis kainis.
Yung parang di ka na makakagalaw ng normal dahil parang binabantayan nila yung kilos mo at nakaabang sa mga gagawin mo kapag andun yun,
NAPAKAPLASTIK NA TAO KO LANG TALAGA para makipagbatuhan ng ngiti pero talagang hindi ako natutuwa.

Kaya nung nalaman kong may nabanggit si GirLaLou_1 sa kanila, sumama talaga loob ko.
OO, kaibigan ko rin naman yung mga kinuwentuhan niya...
Pero bakit hindi niya hayaang ako ang magkwento sa kanila?
Na unang-una sa lahat.... may dahilan ako kung bakit sa kanya ko lang sinabi.
Na maaaring yun din ang dahilan niya kaya sa akin niya lang nakukwento ang ibang mga bagay.
Na sana... KUNG GAANO KO MAN TINAGO ANG MGA SIKRETO NIYA, GANUN DIN SANA NIYA TINAGO ANG MGA SIKRETO KO.
hohoho. Makapagdrama lang xD
Anyway, yung issue na rin naman na ewan sa pagitan namin ni BoyLeTs_2 ay... WALEY. yup. WaLeY!!!
Nabahala lang ako... na kung ano at hanggang saan na ba ang nakwento niya? hehe. napraning na ako? xD

Yun lang naman. :)

Pero just a classic case scenario, palalagpasin ko na lang ang mga nangyaring ito.
Ttry ko na namang kumilos ng normal.
Hahayaang lumipas ang lahat, ng wala silang nalalaman.... sa naramdaman ko, sa mga naisip ko at sa mga napagtanto ko.
Continue reading...

♥Join Na!♥

send2meni

 

♥ T a T i B i ♥ Copyright © 2009 Cosmetic Girl Designed by Ipietoon | In Collaboration with FIFA
Girl Illustration Copyrighted to Dapino Colada